Monday, December 27, 2010

Chances 1

“Hello. Nandito na ako sa Manila.”

Parang lumukso ang puso ni Alvin pagkarinig sa boses ni Vincent. Muntik na niyang mabitiwan ang telepono dahil sa excitement.

“Kailan ka dumating?”

“Kanina lang.”

“Kailangan nating magkita.”

“Pwede ka ba mamaya, paglabas mo sa office?”

“Sige. Mag-dinner tayo. Treat kita.”

“What time? Saan?”

Nagtakda sila ng oras at lugar.

Naibaba niya na ang telepono, hindi pa rin mapawi ang ngiti sa mga labi ni Alvin.

Bagay na hindi nakaligtas sa pansin ng best friend at officemate niyang si Darwin. “Sino 'yung kausap mo?”

“Wala. Just a friend.”

“Must be a very special friend.”

Hindi na siya nakapagkaila. “Si Vincent. Kaklase ko noong college sa probinsiya.”

“Kaklase nga lang ba? Ako, kapag tinatawagan ng mga kaklase ko, hindi ako ganyan kasaya.”

Nagtapat na siya. “Okay, isa nga siyang espesyal na kaibigan.”

“Gaano ka-espesyal?” ang untag ni Darwin.

“We were sort of… best friends. Malapit sa isa’t isa. Magkasama lagi. We were always there for each other.”

“Best friends nga lang ba? O boyfriends?”

“How I wish na naging boyfriend ko siya.”

“Sinasasabi ko na. Now, tell me more about him.”

Isiningit ni Alvin sa gitna ng kanilang pagtatrabaho ang pagkukuwento tungkol kay Vincent.

“After graduation, ang balak talaga namin, sabay kaming pupunta dito sa Maynila para maghanap ng trabaho. Kaso pinigilan siya ng tatay niya dahil walang magma-manage sa farm nila. Recently, umuwi ang kuya niya galing sa Dubai. Ayaw nang bumalik at in-assume ang farm. Kaya nalibre siya at itinuloy niya na ang pagluwas. Nandito na siya ngayon sa Maynila kaya tumawag siya.”

“So, talagang sinundan ka niya.”

“Yeah, kaya masayang-masaya ako.”

“Guwapo ba siya?”

Napangiti si Alvin sabay sa pagniningning ng mga mata. “I have yet to meet someone na hihigit sa kaguwapuhan ni Vincent. Para sa akin, siya ang ultimate.”

“Hmmm… Now, I am very curious to meet him.”

“Ipapakilala ko siya sa’yo.”

“Talaga? Kelan?”

“Ngayon.”

“As in now na?”

“Mamaya magkikita kami for dinner. And you are invited to join us.”

***

Nagkakilala sina Darwin at Alvin nang magkasabay sila sa pag-a-apply sa kumpanyang pinapasukan nila. Kahit laking-Maynila si Darwin at si Alvin naman ay laking-probinsiya, kaagad silang nag-click. Nang pareho silang matanggap at magkasama sa training, higit silang naging close. Naging madali para kay Alvin ang pag-a-adjust at pag-a-adapt sa bago niyang kapaligiran dahil kay Darwin.

Ang premise ng friendship nila ay ang magkatulad na seksuwalidad. Maaga pa lang ay inamin na nila na parehong boys ang preference nila. Kahit pareho silang good-looking, hindi nila type ang isa’t isa kaya nag-progress ang relasyon nila na parang sisters. And maybe because they had each other kung kaya kahit nakikipag-date sila, nananatili pa rin silang single.

Ang friendship naman nina Alvin at Vincent ay nagsimula noong first year college. Nagkatabi sila sa first subject at dahil block sectioning ang freshmen sa eskuwelahan nila, hindi na sila naghiwalay. Nag-shift pa nga si Vincent kaya naging magkapareho ang kurso nila at hanggang fourth year, magkaklase at seatmates sila.

Sa kanilang dalawa, higit na matalino si Alvin at siya ang tumulong kay Vincent sa mga subjects na nahihirapan ito. Kapag may exams, sabay silang nagre-review at pinagtitiyagaan niya talaga ang pagtuturo rito.

Dahil lagi silang magkasama at halos dependent na ito sa kanya, nagsimula siyang makaramdam ng kakaiba. At kahit dumating siya sa puntong nahihirapan na siya sa damdamin niya, pinili niya pa ring ikubli iyon dahil ayaw niyang may mabago sa kanilang pagsasama. Natatakot siya na baka layuan siya ni Alvin kapag nalaman nito ang feelings niya.

Kaya nagkunwari siya at umasa. Na balang araw, magkakaroon din ng katuparan ang pag-ibig niya. Akala niya mangyayari na iyon nang magplano silang sabay na lumuwas ng Maynila. Subalit hindi iyon natuloy.

Kaya ngayon nga na naririto na si Vincent, walang pagsidlan ng galak si Alvin. Sa paglipas ng panahon, patuloy niya itong inibig. At kung mayroon man siyang naging resolve, iyon ay ang magpaka-honest na sa kanyang damdamin dahil wala siyang ibang pinakaaasam kundi ang mahalin din ni Vincent.

***

Akala ni Vincent, siya ang mauuna sa meeting place nila. Subalit pagdating niya, naroroon na si Alvin.

Napangiti siya pagkakita sa kaibigan at kaagad siyang humakbang upang ito ay lapitan.

Oblivious siya sa mga tingin ng paghanga na ipinukol sa kanya ng iba pang mga tao sa restaurant. Sa tangkad niyang 5’10, latino features at matikas na pangangatawan, hindi maaaring hindi mapansin ang stand-out niyang dating.

Ngiting-ngiti si Alvin pagkakita kay Vincent. Kaagad niya itong kinawayan. Muli, naramdaman niya ang lukso ng kanyang puso. Tumayo siya upang ito ay salubungin.

Kung wala lang sila sa public place, yayakapin niya ito dahil sa tuwa at pananabik.

Kaagad niya itong ipinakilala kay Darwin.

Hindi nakapagsalita si Darwin nang makipagkamay siya kay Vincent.

Si Vincent naman ay parang nakalimutang bitiwan ang kamay ni Darwin.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Nakamasid lang sa kanila si Alvin.

And for a while, nag-standstill ang paligid.

(Itutuloy)

No comments: